Pasok sa ilang korte sa Batangas, sinuspende dahil sa smog

Walang pasok sa ilang hukuman sa Batangas ngayong Biyernes dahil sa panganib na dulot ng volcanic smog o vog mula sa Bulkang Taal.

Sa abiso ng Supreme Court Public Information Office, sinabi na sinuspende ang pasok sa Taal Regional Trial Court Branch 86.

Suspendido rin ang mga trabaho sa Taal-San Nicolas, Batangas 7th Municipal Circuit Trial Court (MCTC)  at sa 3rd MCTC Alitagtag-Sta. Teresita, Batangas.

Ilan pang korte sa Batangas at Cavite, nagsuspinde na rin ng pasok dahil sa volcanic smog

Nadagdagan pa ang mga korte na nagsuspinde ng pasok ngayong Biyernes ng hapon dahil sa volcanic smog o vog mula sa Taal Volcano.

Sa abiso ng Supreme Court Public Information Office, simula 12:00 ng tanghali ay suspendido ang mga trabaho sa lahat ng mga hukuman sa Trece Martires City, General Trias City at Tanza sa Cavite.

Nag-anunsiyo na rin ng work suspension ang iba pang korte sa Batangas.

Kabilang sa mga ito ang Lemery Regional Trial Court Branch 5, Batangas 6th Municipal Circuit Trial Court Lemery-Agoncillo, Lemery, Batangas, at San Luis, Batangas Municipal Trial Court.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *