Pasok sa ilang korte suspendido dahil sa masamang panahon

Nag-anunsiyo ng suspensyon sa pasok ang ilang hukuman sa bansa bunsod ng epekto ng masamang panahon.

Kabilang sa walang pasok ang lahat ng hukuman na nasa Dagupan City Hall of Justice.

Suspendido rin ang court operations sa Lingayen, Pangasinan Hall of Justice.

Maaaring makita ang listahan ng court work suspension sa official Twitter page ng Supreme Court Public Information Office.

Sinabi naman ni Court Administrator Raul Villanueva na patuloy pa ang pagkalap nila ng mga report mula sa mga korte na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo.

Una nang lumikha ang Office of the Court Administrator (OCA) ng OCA- Central Disaster Coordination, Monitoring and Response Team para kumalap ng mga ulat sa lower courts kapag may tumamang kalamidad sa kanilang lugar.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *