Pasok sa lahat ng Korte sa buong bansa, suspendido simula 3:00pm ngayong araw bilang pagdiriwang sa Kainang Pamilya Mahalaga Day

Nag-anunsiyo na rin ng suspensyon sa trabaho ang Korte Suprema para sa lahat ng hukuman sa bansa ngayong Lunes, Setyembre 25 bilang pagdiriwang sa Kainang Pamilya Mahalaga Day.

Sa abiso mula sa Supreme Court Public Information Office, sinabi na hanggang ika- 3:00 ng hapon ngayong araw ang pasok sa lahat ng korte sa bansa.

Ito ay para himukin ang mga opisyal at kawani ng hudikatura na makapaglaan ng mas maraming oras sa kanilang pamilya.

Alinsunod na rin ito sa memorandum order ng Malacañang para sa Kainang Pamilya Mahalaga Day.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *