Patricia Fox hiniling sa DOJ na baligtarin ang Deportation order ng BI laban sa kanya

Naghain ng petition for review sa DOJ ang Australyanong madre na si Patricia Fox laban sa deportation order sa kanya ng Bureau of Immigration.

Nais ni Fox na bawiin ng DOJ ang hatol ng BI na ipatapon siya pabalik ng Australia dahil sa paglahok sa mga political rallies sa bansa.

Iginiit ni Fox na bahagi ng kanyang misyon sa Pilipinas ang pagtulong at paghanap ng hustisya sa mga mahihirap.

Noong Agosto pinagtibay ng BI ang nauna nitong desisyon na ideport ang banyaga.

Hindi naman natuloy ang dayalogo ni Fox kay Justice Secretary Menardo Guevarra.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *