Paul Soriano , hindi na konektado sa Malakanyang

Hindi na konektado sa Malakanyang ang Dating Presidential Adviser on Creative Communications na si Paul Soriano.

Ito ang inamin ng mga opisyal ng Office of the President matapos isalang ang kanilang hinihinging pondo.

Tinanong ni Senador Aquilino Koko Pimentel kung kanino galing ang budget na ginamit sa naging kontrobersiyal na ad slogan sa London.

Noong May 2023, ipinalabas ang slogan na “We give the world our best: kung saan nakita doon ang larawan ng nurse na si May Parsons ang unang nagturok ng bakuna laban sa COVID-19 sa UK.

Ayon kay Senador Sonny Angara na siyang nagdepensa sa budget ng OP, hindi galing ang pondo sa OP at ang tanging nakakaalam nito ay si Director Paul Soriano na hindi na konektado ngayon sa Gobyerno.

Matatandaan na umani ng matinding reaksiyon mula sa ating mga kababayan ang nasabing slogan sa pag-aakalang ito na ang magiging tourism slogan ng bansa.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *