PBBM ,dapat magsalita na vs People’s Initiative

Umapila si Senador JV Ejercito kay Pangulong Bongbong Marcos na magsalita na laban sa People’s Initiative na isinusulong ng Kamara.

Ayon kay Ejercito, hangga’t hindi nagsasalita ang Pangulo tungkol dito, gagamitin ang Charter change sa destabilisasyon at pagpapabitiw sa kaniya sa puwesto.

Naniniwala ang Senador na ang panawagang pagpapabitiw sa Pangulo ay isang deklarasyon ng all out war ng magkakampi sa pulitika.

Magpapatuloy aniya ang batuhan ng putik kung walang magiging posisyon ang Pangulo sa People’s Initiative dahil pinangangambahang gagamitin ito para sa term extension at interes sa pulitika ng mga nakaupo sa puwesto.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *