PBBM Ibinandera ang malaking kinita ng Pag-IBIG Fund sa panahon ng pandemya

Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pinakamataas na dibidendo na naabot ng Pag-IBIG Fund mula ng magkaroon ng pandemya dulot ng Covid -19 pandemic.

Sa report ng Pag-IBIG Fund, pumalo sa 6.35% ang regular savings dividend rate nito noong 2022 habang ang Modified Pag-IBIG 2 o MP2 Savings dividend sa 7.03% per annum.

Courtesy: RTVM

Nitong 2022 rin naitala ang record high net income ng Pag-IBIG na ₱44.5 billion.

Mas mataas ito ng 28% sa ₱34.69 billion noong 2021.

Ipinagmalaki ni PBBM ang matagumpay na pagbibigay ng murang pabahay ng Pag-IBIG na itinatag noong panahon ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *