PCG naka-heightened alert na simula sa Linggo kasunod nang inaasahang dagsa ng pasahero sa darating na long weekend

0
PCG

Courtesy: PCG FB

Simula sa Linggo, itataas na sa heightened alert status ang Philippine Coast Guard (PCG), bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa inaasahang dagsa ng mga pasaherong biyaheng probinsiya sa long weekend.

Ayon kay PCG Commandant Admiral Ronnie Gavan, mahigipit ang atas niya sa lahat ng kanilang units an siguruhing ligtas at maayos ang biyahe ng mga pasahero.

Naka-heightened alert status ang PCG district stations at sub-stations mula Abril 13 hanggang Abril 20.

Ipinag-utos din ni Pangulong Bongbong Marcos, na makipagtulungan ang PCG sa Depatment of Transportation Maritime sector, para sa zaro maritime casualty.

Imo-monitor ng PCG ang mga nautical highways kabilang na ang inter-osland routes habang maghihigpit din ng seguridad at pag-iinspeksiyon ng mga sasakyang pandagat.

Batay sa PCG Command Center, nasa 1.65 million ang mga pasaherong dumagsa sa mga pantalan sa iba’t ibang bahagi ng bansa noong nakaraang taon.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *