PDEA, hinimok ni Sen. Lacson na hanapin ang iba pang container van na hinihinalang pinalusot rin sa BOC

Hinimok ni Senador Panfilo Lacson ang Phil. Drug Enforcement Agency na ipursige ang paghahanap sa tatlong iba pang container van na hinihinalang pinalusot rin sa Bureau of Customs.

Sa impormasyon ni Lacson, bukod sa 605 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng 6.4 billion pesos, may nakalusot pang 3 container van na may 1,800 kilo ng shabu.

Bahagi ito ng shipment ng Chinese businessman na si Chen Julong alyas Richard Tan, may ari ng Hongfei Xiamen at Hongfei Philippines na inayos rin ng trucker na si Mark Taguba at iba pang middleman ni Tan.

Posible aniyang inilagay rin ang mga ito sa cylinder gaya ng ginawa sa nasabat na shabu sa Valenzuela.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *