Pelikulang Guerrero ng EBC Films, nominado sa 34th PMPC Star Awards for movies

Nominado ang pelikulang GUERRERO ng Eagle Broadacsting Corporation o EBC Films sa ilang major category ng 34th PMPC Star Awards for movies.

Kabilang sa mga nominated ay ang “Indie movie of the year”, “Indie movie director of the year” para kay Carlo Cuevas; “New movie actor of the Year” para kay Genesis Gomez at “Movie child actor of the Year” para kay Julio Cesar Sabenorio.

Nominado rin si Direk Cuevas para sa “Indie movie screenwriter of the Year” at sina Abet Alfonso at Amiel Tuazon para sa “Indie movie musical scorer of the year”.

Ang gabi ng parangal ay gaganapin sa Pebrero 18, Linggo sa Newport Performing arts theater, Resorts World Manila.

Magsisilbing host ng awards night sina Judy Ann Santos, Kim Chiu, Julia Barreto, Xian Lim at Enchong Dee habang anchor naman si Iza Calzado.

Ang PMPC ay isang professional group ng mga active columnist and editors ng iba’t-ibang pahayagan, Radio showbiz talk shows, online blog sites at iba pa.

Ang PMPC ay taun-taong nagbibigay ng honor at recognition sa mga mahuhusay na alagad ng pelikula.

 

===  end  ===

 

 

Please follow and like us: