Persons with intellectual disabilities sa Taguig na nakatapos ng 2-araw na hands-on learning training, binigyan ng certificate of completion
Photo: Courtesy of Taguig City PIO

Inorganisa ng Taguig Persons with Disability Affairs Office at Taguig Manpower Training and Assessment Center (TMTAC), ang Empowering People with Intellectual Disabilities through Inclusive Livelihood Program graduation ceremony sa Taguig Center for Disaster Management, sa Barangay Central Signal.
Ang seremonya ay para sa Persons with Intellectual Disabilities (PID) na nakatapos ng dalawang araw na pagsasanay, na naglalayong magkaloob ng praktikal na mga kasanayan sa kabuhayan.

Photo: Courtesy of Taguig City PIO
Nasa 110 nagtapos ang binigyan ng certificate of completion.
Sa kanilang pagsasanay, binigyan sila ng mga kagamitan, tulad ng hairnet, apron, gloves, face mask, at tupperware na makatutulong sa kanila na magsimula ng kanilang maliit na negosyo.
Ang mga kalahok ay hinati sa apat na batch para matiyak ang hands-on learning at partisipasyon.
Pinangunahan ng mga trainer ng TMTAC ang training session at tinuruan ang mga mag-aaral kung paano maghanda ng banana pao, beef puto pao, beef siomai, beef patties, at chocolate chip cookies.

Photo: Courtesy of Taguig City PIO
Natutuhan din nila ang mga recipe na madali, praktikal, at angkop para sa maliliit na negosyo sa bahay.
Samantala, labing-isang PWD athletes na sumabak sa Paragames event ang nakatanggap din ng recognition certificates sa ginanap na graduation ceremony.
Archie Amado