Peter Go Lim, nasa bansa pa rin – ayon kay Justice Sec. Guevarra

Nasa loob pa rin ng bansa ang itinuturong big time drug supplier na si Peter Go Lim.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra batay sa records ng Bureau of Immigration mula Marso ngayong taon ay hindi pa umaalis ng bansa si Lim.

Ito ay maliban na lang anya kung nakaalis ito sa pamamagitan ng backdoor.

Ayon sa kalihim, nasa derogatory list ng BI ang akusado matapos ang ipinalabas na hold departure order ng Makati City Regional Trial Court laban kay Lim.

Sumama na rin anya ang NBI sa paghanap kay Lim na may warrant of arrest na sa korte dahil sa kasong conspiracy to commit illegal drug trading.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *