Petisyon ni Sen. de Lima sa CA, isang dibisyon nalang ang hahawak

Isang dibisyon na lang sa Court of Appeals ang hahawak sa dalawang petisyon ni Senadora Leila de Lima na kumukwestyon sa preliminary investigation ng DOJ sa kasong illegal drugs nito.

Sa resolusyon ng CA 17th Division na isinulat ni Associate Justice Henri Jean Paul Inting, ipinagutos na pag-isahin ang kaso sa CA 6th division.

Ang 6th Division ang may hawak sa unang petisyon na inihain ng Senadora habang ang 17th Division ang sa ikalawang petisyon.

Iniutos ng Appellate Court na pagsamahin ang dalawang kaso dahil ito ay nakabatay naman sa parehong isyu at argumento.

Sa parehong petisyon, kinuwestyon ni de Lima ang hurisdiksyon ng DOJ na magsagawa ng pagdinig sa drug cases niya.

Una nang ibinasura ng CA 6th Division ang hiling ni de Lima naTRO na pipigil sana sa imbestigasyon ng DOJ laban sa kanya.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us: