PH Emb. sa Egypt, magpapadala ng mga tauhan sa Djibouti para sa 13 Pinoy na biktima ng pag-atake ng Houthi rebels

Nasa Djibouti na ang 13 Pilipinong crew ng M/V True Confidence na target ng missile attack ng mga rebeldeng Houthi  noong  Marso 6.

Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dinala ang mga Pinoy sa Djibouti ng Indian Navy.

Magpapadala naman ang Embahada ng Pilipinas sa Cairo, Egypt ng team nito sa Djibouti para bigyan ng tulong ang mga nakaligtas na Pinoy.

Una nang nagpaabot ng pakikiramay ang DFA sa mga pamilya ng dalawang Pilipino na nasawi dahil sa pag-atake sa barko.

Tiniyak din ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang suporta sa mga apektadong tripulanteng Pinoy.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *