PH university lumagda sa kasunduan para sa kauna-unahang private health care learning institution sa Brunei– DFA

Sa unang pagkakataon ay magkakaroon ng private health care institution sa Brunei Darussalam.

Ito ay sa pamamagitan ng joint venture agreement na nilagdaan sa pagitan ng Far Eastern University, Jerudong Park Medical Centre (JPMC), at Darussalam Assets para sa pagtatag ng JPMC College of Health Sciences (JPMC-CHS).

Ayon sa Department of Foreign Affairs, simula Oktubre ngayong taon iaalok sa JPMC – CHS ang basic nursing programs.

Courtesy: DFA

Plano rin na palawigin ang mga kurso sa iba pang field ng health sciences.

Matatagpuan ang campus sa Jalan Ong Sum Ping sa Bandar Seri Begawan.

Inaasahan na magiging fully operational ito sa Enero 2023.

Sinabi ng DFA na ang FEU ang susuporta sa manpower requirements ng paaralan at magdideploy ng mga instructors at lecturer bawat semestre sa Brunei.

Lumagda sa kasunduan sina FEU President Dr. Michael M. Alba at  Chief Finance Officer Juan Miguel Montinola, Brunei Minister of Health at Brunei Minister of Finance and Economy II.

Ang Minister of Health ang chair ng Board of Directors ng JPMC habang ang Darussalam Assets ay private limited company sa ilalim ng pangangasiwa ng Ministry of Finance and Economy.

Moira Encina

Please follow and like us: