Phil. Azkals hindi umubra sa China

PHOTO: The Azkals_fbpage

Hindi umubra ang Azkals laban sa China sa joint qualifiers ng 2021 FIFA World Cup at 2023 AFC Asian Cup, na ginanap sa Sharjah Stadium sa UAE.

Ang iskor, 2-0.

Mahigpit na depensa ang ipinakita ng Azkals sa half time game, kung kaya nagtapos sa 0-0 ang laro.

Nakuha ng China ang unang panalo sa pamamagitan spot kick ng left winger na si Wu Lei, habang nakagawa naman ng goal si Wu Xinghan.

Nasa pangatlong puwesto ang Azkals sa Group A na mayroong 7 points, habang nangunguna ang Syria na mayroong 21 points na walang talo sa pitong laro, at pangalawa ang China na mayroong 13 points.

Susunod namang makakaharap ng Azkals ang Guam sa June 11, at Maldives sa June 15.

Jet Hilario

Please follow and like us: