Philippine Commission on Women o PCW, kinondena ang ginawang pamamaslang ng pulis na si Nuezca sa mag-inang Gregorio sa Paniqui Tarlac

Mariing kinondena ng Philippine Commssion on Women o PCW ang ginawang pagpatay ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca sa mag-inang sonya at frank gregorio sa Paniqui Tarlac nitong nakaraang linggo ng umaga.

Ayon sa PCW, ang ginawang pamamaslang ni Nuezca sa mag ina ay isang uri ng senseless violence.

Isa aniya itong paglapastangan at kawalan ng paggalang sa karapatang pantao at karapatan ng mga kababaihan lalo na at may edad na rin si aling sonya na isa sa mga walang habas na pinatay ni Nuezca.

Samantala, umaapela din ang PCW sa publiko lalo na sa mga netizen na tigilan na nito ang pamba bash sa anak na babae ni Nuezca.

Sinabi ng PCW na kahit pa anak ito ng kriminal ay may karapatan pa rin itong maprotektahan laban sa lahat ng uri ng cyber violence.

Ulat ni Jet Hilario

Please follow and like us: