Physical fitness program at retraining sa mga pulis, naungkat sa pagdinig ng Senado

Naungkat din sa pagdinig ng Senado na ibalik ang physical fitness program at retraining sa mga pulis.

Pinuna ni  Senador Panfilo Lacson ang naglalakihang tiyan ng mga pulis partikular na sina PO1 Perez at PO1 Arquilita, ang mga pulis na nakatalaga sa Caloocan na itnuturong nakapatay sa isang pang estudyante na si Carl Arnaiz.

Inirekomenda rin ni Lacson na i-rotate ang assignment ng mga ito dahil batay sa kaniyang karanasan, ang pulis na matagal na sa area ay mas madalas na sangkot sa mga kalokohan at kurapsyon.

Pabor si dela Rosa sa rekomendasyon ni Lacson pero hiniling niya na ibalik sa PNP ang kustodiya sa pagsasanay ng mga bagong pulis.

Ulat ni: Mean Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *