Physician Licensure Examination ngayong Setyembre sa NCR kinansela ng PRC

Kinansela ng Professional Regulation Commission ang nakatakda sanang Physicians Licensure Examination sa National Capital Region ngayong Setyembre.

Sa isang abiso, sinabi ng PRC na hindi tuloy ang nakatakda sanang pagsusulit sa September 11, 12, 18, & 19 ng taong ito matapos ibalik sa Modified Enhanced Community Quarantine classification ang NCR.

Pero ayon sa PRC, tuloy naman ang Physician Licensure Examination sa kaparehong petsa sa Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legaspi, Lucena, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga.Ang mga apektadong examinee ay maaari umanong kumuha sa susunod na schedule ng pagsusulit.

Humingi naman ng pang-unawa ang PRC sa mga naapektuhan ng cancellation ng PLE dahil sumusunod lamang sila sa guidelines ng Inter-Agency Task Force against COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: