Pinansyal na tulong sa livelihood program ng DOLE para sa mga marginalized na manggagawa, dinagdagan

Mula sa dating sampung libong piso ay 20 thousand pesos na ang tulong pinansyal sa ilalim ng kabuhayan program ng DOLE para sa mga mahihirap at marginalized na manggagawa.

Batay ito sa Department Order na nilagdaan ni Labor Secretary Silvestre Bello III na layuning masuportahan ang  kabuhayan at tulungan mapalago ang negosyo ng mga benepisyaryo ng Integrated Livelihood and Emergency Program ng kagawaran.

Alinsunod sa kautusan, ang mga indibidwal na benepisyaryo ay maaaring maka-avail ng Starter Kit o Negosyo sa Kariton na ang maximum na tulong pinansiyal ay ₱20,000.

Prayoridad sa  livelihood program ang self-employed workers na walang sapat na kita, marginalized at magsasaka na walang lupain, unpaid family workers, mga magulang ng child laborers, low-wage at seasonal workers, at displaced workers.

 Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us: