Pinay at tatlo nitong anak na unang napaulat na nawawala sa lindol sa Türkiye, pumanaw na

Kinumpirma ng Embahada ng Pilipinas sa Tûrkiye na namatay ang Pilipina at tatlo nitong anak na una nang iniulat na nawawala sa Antakya matapos ang malakas na lindol doon.

Ayon sa embahada, inilibing na ang Pinay at ang mga anak nito ng asawa niyang Turkish national.

Courtesy: PH Embassy in Ankara

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang Philippine Embassy at Department of Foreign Affairs (DFA) sa trahediya.

Nasa 20 pamilya ang nanunuluyan sa shelter o dormitoryo na inilaan ng embahada sa mga apektadong Pilipino.

Kasama na rito ang 70 indibiduwal na kinabibilangan ng overseas Filipino, asawa nilang Turkish, mga anak at senior citizens

Inaasikaso na ng embahada ang repatriation ng mga kuwalipikadong Pinoy na nais na bumalik na ng Pilipinas.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *