Pinoy crew at owner ng F/B Gem- Ver 1, natanggap na ang P6M kompensasyon–DOJ

Nakuha na ng mga Pilipinong mangingisda at owner ng lumubog na F/B Gem- Ver 1 ang Php 6 milyong kompensasyon mula sa bumangga ritong Chinese vessel.

Ayon kay Justice Undersecretary Adrian Sugay, natanggap na ng mga Pinoy crew at may-ari ng Gem-Ver ang buong kompensasyon noong Mayo 16.

Inanunsiyo noong Abril ng DOJ na nagkaroon na ng final settlement ukol sa ibabayad na danyos sa mga apektadong Pinoy fishermen.

Isinulong ng DOJ ang compensation claim para sa pinsalang tinamo ng fishing vessel, nawalang kita, at sa dinanas na moral suffering at mental anguish ng mga mangingisda dahil sa insidente.

Binangga ng Chinese vessel malapit sa Recto Bank ang Gem-Ver noong 2019 kaya lumubog ito at hindi rin sinaklolohan ang mga Pinoy crew.

Moira Encina

Please follow and like us: