Planong modernisasyon ng jeepney sa bansa hindi mapipigilan ng transport caravan – LTFRB

 

Hindi mapipigilan ng isinasagawang transport caravan ang modernisasyon ng jeepney sa bansa lalo na sa Metro Manila.

Ito ang binigyang diin ni LTFRB Chairman Martin Delgra sa harap ng panibagong welga ng no to jeepney phaseout coalition ng mga transport group.

Ayon kay Delgra, ang tanging isinusulong ng mga transport group ay ang interes ng operators at drivers samantalang ang modernisasyon ng jeepney ay para sa mas nakararaming mananakay.

Muling nilinaw ng LTFRB na hindi phaseout ang mangyayari sa jeepney kundi papalitan lamang ito ng environment friendly jeepneys.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *