PNP at AFP hindi nakonsulta sa housing sites at unitsna ipinatayo ng NHA

Umangal ang PNP at AFP dahil hindi sila nakonsulta sa mga housing sites at units na ipinatayo ng National Housing Authority para sa kanilang mga personnel.

Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni Lt.. Colonel Leonido Yanson ng AFP housing board, marami sa mga benipisyaryo ang tumatangging tumira sa pabahay dahil masyadong maliit ito para sa kanilang pamilya lalo na ang mga personnel na may dalawa hanggang tatlong anak.

Kailangan ring i-renovate ang mga naipagawang pabahay at halos mas malaki pa ang magagastos sa renovation sa halaga ng pabahay.

Sa paliwanag ng NHA, umaabot sa 22 square meter ang isang bahay.

Pero ayon kay Senador JV Ejercito, hindi ito akma sa international standards na seven square meter per person.

Sabi ng NHA kung hindi pa rin maookupahan ang pabahay hanggang May 30 posibleng ibigay na lamang ito sa mga public school teacher, brgy officials, govt officials at mga informal settlers.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *