PNP Chief dela Rosa, kumpiyansa ring matatapos na ang krisis sa Marawi City sa loob ng 15 araw

Naniniwala rin si Philippine National Police Chief Police Director Gen. Ronald “Bato” dela Rosa na matatapos na ang krisis sa Marawi City sa loob ng 15 araw.

Batay ito sa naging assessment ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay dela Rosa, may sariling basehan ang Pangulo kung kaya nasabi niya ito.

Aniya, binibigyan ng regular information at briefing ang Pangulo mula sa mga security officials sa ground kaya naglabas siya ng assessment.

Inihayag pa ni Gen. Bato na sa panig naman ng PNP, patuloy silang nagbibigay ng suporta sa tropa ng Armed Forces of the Philippines, na nasa frontline sa bakbakan sa Marawi.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *