PNP Chief dela Rosa nasermunan sa pagdinig ng Kamara sa Resorts World attack

bato4

Courtesy of Wikipedia.org

download
courtesy of wikipedia.org

Nasermunan ni House Committee on Games and Amusement Chair Gus Tambunting si PNP Chief Ronald dela Rosa dahil sa umanoy mga hindi pa beripikadong impormasyong sinasabi nito sa media noong kasagsagan ng Resorts World Manila incident.

Sa pagdinig ng Kamara sinita ni Tambunting si dela Rosa dahil sa unang pahayag nitong isa lang ang casualty sa pag atake sa Resorts World.

Giit ni Tambunting bago dapat magbitiw ng pahayag si dela Rosa dapat ito ay bineberipika muna.

Pero sagot naman ni dela Rosa nung tinanong siya kung ilan ang patay ay hindi siya nagsisinungaling dahil isa pa lang talaga ang nakikita nilang patay ng pagkakataong iyon.

Samantala sa pagdinig kanina hiniling ni  Pampanga Cong. Dong Gonzales sa pamamagitan ng kanyang mga kapwa  kongresista na maprisinta rin ang video footage  ng pagkamatay ng mga biktima dahil sa suffocation.

Pero ayon sa RWM hindi nila ito magagawa dahil nasira ang mga CCTV footage nila dahil sa  makapal na usok.

Ang asawa ni Gonzales ay isa sa mga nasawi sa malagim na insidente.

Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *