PNP Chief dela Rosa, nililimitahan muna ang public appearance

bato1

Courtesy of Wikipedia.org

download
courtesy of wikipedia.org

Binawasan na muna ni PNP Chief Ronald dela Rosa ang mga paglabas nito sa publiko mula noong sumiklab ang kaguluhan sa Marawi City.

Ayon sa PNP Chief, nasa “special operations” ito kaya madalang na lamang siya makita ng publiko.

Hindi naman nito isinawalat ang mga ginagawa nilang hakbang dahil isang sensitibong bagay ang usapin ng terorismo.

Huling nakita si dela Rosa  sa publiko noong naganap na Resorts World Manila attack noong Hunyo 2.

Mula noon ay hindi na nagpakita pa sa publiko ito maging noong tradisyonal na Independence Day celebration sa Camp Crame na binasa na lamang ni PNP Deputy Chief for Operations Deputy Director General Fernando Mendez Jr ang kaniyang mensahe.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *