PNP nakapagtala ng 2 bagong namatay dahil sa Covid-19

Pumalo na sa 112 ang death toll ng Philippine National Police dahil sa Covid-19.

Ito’y matapos makapagtala ang PNP Health Service ngayong araw, September 16 ng dalawang bagong pumanaw dahil sa virus infection.

Ngayong araw din ay nakapagtala ang PNP ng karagdagang 184 mga kaso kaya umakyat pa sa 37,734 ang kabuuang kaso na may 2,612 active cases.

Habang may 254 bagong mga gumaling na naitala kaya pumalo na sa 35,010 ang kabuuang nakarekober sa karamdaman.

Sa gitna ng tumataas na kaso ng Covid-19 sa kanilang hanay at maging sa bansa, tiniyak naman ni PNP Chief Police General Guillermo Eleazar na tuluy-tuloy ang kanilang monitoring sa kalagayan ng kanilang quaranitne facilities para sa mga infected personnel ng PNP ganundin ang sapat na personal protective equipment at iba pang medikal na pangangailangan para sa mga pulis.

Samantala, sinabi ni Eleazar na umaabot na sa 124,758 o 56.02% PNP personnel ang nakakumpleto na ng bakuna kontra Covid-19 habang nasa 85,877 o 38.56% ang nakatanggap ng second dose.

Please follow and like us: