PNP nakapagtala ng bagong 113 recoveries mula sa Covid-19

Pumapalo na sa 33,272 ang kabuuang nakarekober mula sa Covid-19 sa hanay ng Pambansang Pulisya.

Ayon sa PNP Health service, ito’y matapos makapagtala ng bagong 113 na gumaling sa sakit.

Samantala, sa araw din na ito, September 5, ay nakapagtala ng panibagong 219 kaso ng Covid-19 kaya umakyat na sa 35,561 ang kabuuang kaso na may 2,181 active cases.

Wala namang naitalang bagong namatay sa kanilang hanay kaya nanatili sa 108 ang death toll.

Please follow and like us: