PNP, nakapagtala ng bagong 85 recoveries mula sa Covid-19

Pumalo na sa 25,704 ang bilang ng mga pulis na gumagaling mula sa Covid-19.

Ito’y matapos makapagtala ang PNP Health service ng karagdagang 85 na mga nakarekober sa karamdaman.

Gayunman, nakapagtala rin ng bagong 90 kaso ng virus infection kaya umakyat na sa 27,544 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa PNP na may 1,767 na aktibong kaso.

Nanatili naman sa 73 ang death toll.

Please follow and like us: