PNP, nakapagtala ng bagong 92 mga nakarekober mula sa Covid-19

Nakapagtala ang Philippine National Police ng karagdagang 92 mga police personnel na nakarekober mula sa Covid-19.

Sa datos ng PNP ngayong May 23, 2021, sumampa na sa 21, 208 ang kabuuang recovered cases sa kanilang hanay.

Gayunman, nakapagtala rin ng panibagong 115 mga kaso ng virus infection.

Kaya pumalo na sa 22,754 ang kabuuang Covid-19 cases.

Wala namang naiulat na bagong mga nasawi sa impeksyon kaya nanatili sa 1,483 ang death toll sa Pambansang Pulisya dahil sa Covid-19.

Please follow and like us: