PNP nakapagtala ng higit 100 bagong recoveries sa Covid-19

Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga gumagaling sa Covid-19 sa hanay ng Pambansang Pulisya.

Sa datos ng PNP Health service ngayong June 13, 2021, nakapagtala sila ng 112 bagong recoveries kaya pumalo na sa 23,853 ang recovered cases sa kanilang hanay.

Gayunman, nakapagtala rin ang PNP ng karagdagang 64 kaso kaya umakyat na sa 25,714 ang kabuuang Covid-19 cases na may 1,791 active cases.

Wala namang naitalang bagong pumanaw kaya nanatili sa 70 ang death toll ng PNP sa Covid-19.

Please follow and like us: