PNP, nakapagtala ng kabuuang 32,095 recoveries mula sa Covid-19

Pumalo na sa kabuuang 32,095 ang mga gumaling mula sa Covid-19 sa hanay ng Philippine National Police.

Ito’y matapos makapagtala ang PNP Health service ng karagdagang 131 na mga nakarekober sa karamdaman.

Samantala, ngayong araw din nakapagtala ang PNP ng karagdagang 159 kaso ng virus infection.

Dahil dito, pumalo na sa 33,975 ang kabuuang kaso na may 1,778 active cases.

Nanatili naman sa 102 ang death toll ng PNP sa Covid-19.

Please follow and like us: