Walang Pinoy na nadamay sa Kabul airport bombing – DFA

Walang nadamay na Filipino sa nangyaring pagsabog sa Kabul airport sa Afghanistan.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ito ang nakuha nilang paunang impormasyon mula kay Philippine Ambassador Daniel Espiritu, na nakabase sa Islamabad, Pakistan.

Naganap ang pambobomba sa paliparan habang nagpapatuloy ang evacuation sa mga dayuhang nasa Afghanistan kasunod ng pag-take over ng Taliban sa Kabul.

Ayon sa DFA, nasa higit 20 pang mga Pinoy nanatiling nasa Kabul kung saan 16 sa kanila ang humiling na makasama sila sa nagpapatuloy na repatriation.

Please follow and like us: