PNP nakapagtala ng karagdagang 170 recoveries mula sa Covid-19

Umakyat na sa 34,495 ang kabuuang gumaling sa hanay ng Pambansang Pulisya mula sa Covid-19.

It’y matapos makapagtala ang PNP Health Service ng bagong 170 na nakarekober sa virus infection ngayong Linggo, September 19, 2021.

Samantala, nakapagtala rin ang PNP ng bagong 162 kaso ng Covid-19.

Dahil dito, pumalo na sa 38,219 ang kabuuang kaso na may 2,611 active cases.

Nanatili naman sa 113 ang death toll ng PNP dahil sa Covid-19.

Please follow and like us: