PNP-NCRPO walang namo-monitor na terror threat sa M. Mla

Walang namomonitor na terror threat sa Metro Manila ang National Capital Region Police Office.

Ayon kay NCRPO Chief Oscar Albayalde tinitingnan nila ang posibleng presensiya ng  mga miyembro ng  threat groups.

Sinabi ni Albayalde na  ngayong summer vacation, nag deploy sila ng 12,500  na mga unipormadong tauhan  sa mga seaport,  airport, bus terminal at iba pang lugar  na pinupuntahan ng mga tao.

Nakatakda namang  inspeksyunin ni Albayalde ang deployment ng mga tauhan at ang presensiya ng police assistance desk sa nasabing mga lugar.

Please follow and like us: