Police Staff Sgt. na naka-assign sa Camp Crame, ika-78 na pulis na pumanaw dahil sa Covid-19

Isang 40-anyos na Police Staff Sergeant ang naitalang ika-78 na pulis na pumanaw dahil sa Covid-19.

Ayon sa PNP Health Service, July 8 nang makaranas ng mild symptoms ang pulis at kagaad na sumailalim ito sa swab testing na positibo sa virus ang naging resulta.

July 12 nang makaranas ito ng hirap sa paghinga kaya agad inilipat sa kalapit na pagamutan.

Ngunit namatay din noong July 15 dahil sa Pneumonia at Acute Respiratory failure secondary to Covid-19.

Ngayong Linggo, July 18, 2021 ay nakapagtala ang PNP ng karagdagang 76 kaso ng Covid-19.

Kaya pumalo na sa 29,316 ang kabuuang kaso na may 1,312 active cases.

Nakapagtala rin ng bagong 79 recoveries kaya umakyat na sa 27,926 ang kabuuang mga gumaling.

Nasa 78 naman ang death toll.

Please follow and like us: