Pop Star na si Ariana Grande ikinasal na

Ariana Grande, viewed on a television screen during the 2020 MTV Video Music Awards, has married luxury real estate agent Dalton Gomez FRAZER HARRISON | AFP

LOS ANGELES, United States (AFP) – Ikinasal na ang American pop star na si Ariana Grande, sa kaniyang luxury real estate agent fiance na si Dalton Gomez, sa kaniyang tahanan sa Los Angeles.

Inanunsyo ni Grande ang kaniyang engagement kay Gomez sa isang December Instagram post na may kasamang larawan nilang dalawa, at ng kaniyang diamond and pearl ring na may caption na “forever n then some.”

Ayon sa kinatawan ng 27-anyos na singer, wala pang 20 katao ang dumalo sa intimate wedding ceremony.

Sa unang pagkakataon ay nakita ng publiko ang magkasintahan, nang gawin nila ang music video para sa awiting “Stuck with U,” isang charity song na ini-record ni Ariana kasama si Justin Bieber habang naka-lockdown ang California, na ini-release sa mga unang bahagi ng buwang ito.

Ang lyrics ng nasabing awitin ay tumutukoy sa magkasintahan na magkasama habang naka-lockdown.

Matatandaan na naging laman ng headlines si Ariana noong 2017, nang maging target ng isang suicide bombing terrorist attack ang isa niyang stadium concert sa Manchester, England kung saan 22 katao ang namatay, at daan-daan ang nasaktan.

@ Agence France-Presse

Please follow and like us: