Port Operations Division ng BI, pinabubuwag ni SOJ Remulla

Ipinagutos ni Justice Secretary Crispin Remulla ang pag-deactivate sa Port Operations Division ng Bureau of Immigration (BI).

Sinabi ni Remulla na bahagi ito ng mga reporma na ipatutupad sa kawanihan at pag-decentralize sa operasyon nito.

Courtesy: Radyo Agila

Naniniwala ang kalihim na parte ng depekto ng immigration system ang nasabing dibisyon sa BI.

Tugon din aniya ito sa iba pang mga kontrobersiya na kinasangkutan ng immigration bureau.

Ang hakbangin ay inanunsiyo ni Remulla kasunod ng deportasyon sa mga puganteng Hapon na isinasangkot sa robbery cases sa Japan.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *