Posibleng pagpasok ng mga pekeng bigas na mula sa China, binabantayan ng NFA

Mahigpit na binabantayan ng pamunuan ng National Food Authority (NFA) sa lalawigan ng Camarines Norte ang pagpasok ng mga inangkat na bigas galing sa ibang bansa.

Tanging ang mga bansang Thailand at Vietnam galing umano ang dagdag na supply sa lalawigan.

Nabahala ang naturang tanggapan na baka lumusot ang mga pekeng bigas na galing China kung saan naging pangunahing balita ito na isang Chinese trader ang supplier.

Ayon pa sa NFA, madali umanong makilala ang mga bigas na ito sapagkat malaki ang pagkakaiba nito sa karaniwan,sa paghawak pa lamang,sa amoy at hugis,at lumulutang ang mga butil nito kapag hinuhugasan.

Please follow and like us: