Poultry products mula Pampanga, ligtas kainin ayon kay Pangulong Duterte

Ligtas kainin ang mga poultry product mula  sa lalawigan ng Pampanga.

Ito mismo ang ginawang paniniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ginawa rin  ni Pangulong Duterte ang garantiya sa harap ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan para  matugunan ang isyu sa bird flu.

Sa personal na pagtungo ni Pangulong Duterte sa San Fernando Pampanga, inihayag nitong safe for consumption ang mga produktong mula sa manok at itik na galing sa lalawigan.

Kaya para patunayang walang dapat ipag-alala sa pagkain ng poultry products, sumabak si Pangulong Duterte sa “boodle fight” na ang nakahain ay adobong itik at kumain din ito ng nilagang itlog at balut na kanyang inubos.

Kasabay ng Pangulo sa pagkain sina dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, Pampanga Gov. Lilia Pineda, Communications Sec. Martin Andanar at National Security Adviser (NSA) Hermogenes Esperon Jr.

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *