Presidential son Paolo Duterte inakusahan ni Sen. Trillanes na miyembro ng triad

Inakusahan ni Senador Antonio Trillanes si Paolo Duterte na  miyembro ng triad.

Ang impormasyon ay ibinigay sa kanya ng foreign intelligence.

Ang katibayan nito ang tattoo sa likod na may kulay at hugis dragon.

Inamin ni Paolo na may tattoo ito sa likod pero tumangging ipakita sa publiko gaya ng hirit ni Trillanes at iginiit ang kaniyang right to privacy.

Hindi rin siya sasagot sa mga alegasyon na batay lamang sa mga hearsay.

Sa impormasyon ni Trillanes sangkot sa mga iligal na aktibidad ang triad na nag-ooperate sa ibat-ibang lugar kabilang na sa China.

Ipinakita pa ni Trillanes ang mga larawan ng mga umano’y kaibigan ni Paolo kasama na ang isang Charlie Tan na umano’y nag-facilitate para maipasok sa bansa ang 605 kilos ng shabu mula sa China.

Pati mga bank accounts ni Paolo Duterte, inusisa rin ni Trillanes.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *