Presidential spokesperson Harry Roque, inanunsyong nagpositibo siya sa Covid-19

Kinumpirma ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na nag positibo siya sa COVID-19.

Sinabi ni Roque na sumailalim siya ng COVID 19 test ng March 14  para dumalo sa weekly regular meeting kay Pangulong Rodrigo Duterte tuwing Lunes.

Ayon kay Roque bago magtanghali ngayong March 15 ay natanggap niya ang positive COVID 19 swab test result kaya nagpasya siyang ituloy na rin ang kaniyang press briefing.

Tiniyak naman ni Roque na wala siyang ibang kasama sa kaniyang opisina sa New Executive Building sa Malakanyang at via zoom ang kaniyang press briefing.

Nanawagan naman si Roque sa mga taong kaniyang nakasalamuha mula nitong weekend na mag quarantine o isolate at sumailalim sa COVID-19 test.

Inihayag ni Roque wala siyang nararamdamang anomang sintomas ng COVID 19 at bilang bahagi ng protocol ay magtutungo siya sa isang Quarantine facility.

Vic Somintac

Please follow and like us: