Presyo ng sibuyas, bababa na sa susunod na dalawang linggo

Tiniyak ng Malakanyang na bababa na ang presyo ng sibuyas sa susunod na dalawang linggo.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, ito ay dahil  darating na sa bansa ang mga imported na sibuyas.

Tinatayang nasa 55 piso na lamang ang magiging presyo ng pulang sibuyas,  habang nasa 60 piso na lamang ang magiging presyo ng puting sibuyas sa mga susunod na linggo.

Ayon kay Roque, bunga ito ng ginawang consultative meeting na pinangunahan ng Department of Agriculture na ginawa nitong nakaraang Agosto 23.

Kasama sa pulong ang red and white onion traders ganundin ang mga importers.

 

============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *