Problema sa pagtaas ng kaso ng HIV sa bansa, maaari pang mapapababa ayon sa United Nation

Isang libo at isang daang kaso ng HIV infection sa bansa ang naitala ng Department of Health , nito lamang nakalipas na Mayo.

Ayon sa DOH, ito ang pinakamataas  na naitalang kaso  mula nang magsimula silang magtala  noong 1984.

Sinabi ni Health Sec. Paulyn  Ubial umabot  sa sampung  libo at  limang daang  mga Pilipino ang dinapuan ng HIV noong 2016.

Doble ang pagtaas nito mula sa apat na libo at tatlong daan  noong 2010.

Sinabi pa ni Ubial na mas mataas ang bilang ng  mga lalaking dinadapuan ng HIV infections.

Ito  ay  dahil sa pakikipagsiping sa kapwa lalaki.

Para naman sa United Nations, maaari pa umanong mapigilan ang pagtaas ng kaso ng HIV sa bansa kung matututukan lang ng gobyerno ang suliraning ito.

Ulat ni: Anabelle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *