Project TABANG, namahagi ng tulong sa mga residenteng binaha sa Maguindanao del Sur


Courtesy: BARMM News Online
Nasa 3 libong sako ng bigas na tig-25 kilos at grocery Items na 1,200 packs, ang inihatid ng
BARMM Project TABANG sa ilang mga bayan sa lalawigan ng Maguindanao del Sur na lubhang naapektuhan ng tubig baha dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan.

Courtesy: BARMM News Online
Alinsunod ito sa direktiba ni BARMM Chief Minister Abdulraof Macacua, na agad magsagawa ng pagtulong sa lahat ng mga bayan na naapektuhan ng tubig baha dahil na rin sa patuloy na pagbuhos ng ulan.
Kabilang sa mga bayang naapektuhan ay ang Datu Piang, Datu Salibo, Datu Saudi Ampatuan, Ampatuan, Mamasapano, at Guindulungan.

Courtesy: BARMM News Online
Bawat bayan ay tumanggap ng tig-500 sako ng bigas at 200 packs ng grocery items.
Sa ngayon ay patuloy ang monitoring ng BARMM government sa iba pang mga bayan.
Aldrin Puno