Promosyon ng 66 opisyal ng AFP aprubado na sa Commission on Appointments

Lusot na sa makapangyarihang Commission on Appointments ang promosyon ng 66 na Generals at Senior military officials ng Armed Forces of the Philippines.

Sa isinagawang pagdinig mabilis na pumasa sa CA ang mga mga opisyal kasama na si Armed Forces of the Philippines Spokesman B/Gen. Restituto Padilla, patungo sa pagiging Major General.

Maging ang ilang reserve officers ng AFP ay kasama rin sa nabigyan ng kumpirmasyon.

Bukod sa military officials, pasado na rin ang appointment nina Maria Cleofe Natividad, bilang Ambassador extraordinary sa Austria at Joseph Del Mar Yap, bilang Ambassador extraordinary para sa Singapore.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *