Proper hygiene at paghuhugas ng kamay mabisang panlaban sa infections at virus ayon sa DOH

Nagpaalala ang DOH sa publiko na panatilihin ang proper sanitation  sa paghahanda at pagluluto ng poultry products.

Kasunod ito ng pagtama ng bird flu virus sa libu-libong manok sa lalawigan ng Pampanga.

Ayon kay DOH  Asec. Eric Tayag, alam nila ang nararamdamang takot at pangamba ng publiko  na kumain ng manok ngunit binigyang diin niya na basta lulutuin lang ng mabuti ang manok ay magiging protektado ito laban sa anumang bacteria o virus.

Muling binigyang diin ni Tayag ang proper hygiene at  paghuhugas ng kamay ay epektibo at mabisang panlaban sa posibleng infections.

Ulat ni: Anabelle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *