Inamiyendahan na ang Provincial Ordinance sa Cavite Province ukol sa pagbabago ng oras ng Curfew sa buong lalawigan.
Batay sa Provincial Ordinance No. 307-2020, ang curfew hours sa buong Cavite ay magsisimula na ng alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.
Hinihikayat naman ng mga opisyal ng Sangguniang panlalawigan ang publiko na sundin ang inilabas nilang ordinansa na bahagi pa rin ng pag-iingat laban sa banta ng Covid 19 sa bansa.
Epektibo ang naturang Ordinansa sa buong Cavite ngayong Huwebes, Nobyembre 26.
Ulat ni Jet Hilario
