Dalawang lalaki na nagtutulak ng shabu, arestado ng otoridad sa Dipolog City

Arestado ang dalawang suspek na nagtutulak ng ipinagbabawal na gamot sa ginawang drug buy bust operation ng intelligence operatives sa brgy. Turno, Dipolog City.

Ang mga suspek kinilalang sina Mateo Niñal Saldariega, 30 anyos, binata at Leonel Mollida Bandiala, 32 anyos, may asawa at pawang residente sa naturang lugar.

Nakompiska mula sa dalawang suspek ang tig iisang maliit, medium, at malaking pakete ng shabu, P500 na buy bust money at drug paraphernalia.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng otoridad ang nakompiskang mga drug items.

Samantala, ang dalawang suspek ay pansamantalang ikinulong sa Dipolog City Police Station.

Ulat ni Rosevelt Mondinido

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *